Indonesia

Indonesia
BATU, Indonesia. Photo by Jes Aznar

Sunday, November 6, 2011

Paano?

Kapag ang anak ay nababalot ng sakit,
at ang dating sigla ay nawala,

Kapag halos hindi na siya makahinga
dahil ang baga ay puno ng plema,

Kapag wala ng gana kumain
at ang iniinom na gatas ay isinusuka,

Kapag ang mga mata ay mugto at mabigat
at ang katawan ay inaapoy ng lagnat,

Kapag sa magdamag ay hindi siya makatulog
at ang tanging daing ay 'mama, mama,'


Paano ba maging ina?